Kumain ng Isda na Mayaman sa Omega 3 Fatty Acids Para Iwas Sakit sa Puso
Kumain ng Isda na Mayaman sa Omega 3 Fatty Acids Para Iwas Sakit sa Puso
Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian
Ayon sa American Heart Association, ang pagkain ng mga isdang
mayaman sa omega-3 fatty acids ng dalawang beses sa isang linggo o higit pa ay
makakatulong na pababain ang posibilidad ng pagkakaroon ng sakit sa puso
partikular na ang cardiac arrest.
Ang omega 3 fatty acids ay unsaturated fatty acid na tumutulong
na maiwasan ang inflammation sa ating katawan. Ang inflammation ay maaaring
makasira sa ating mga ugat na magdudulot ng sakit sa puso. Pinapababa ng omega
3 ang triglycerides, blood pressure, blood clotting, iniiwasan din nito ang
stroke, heart failure, irregular heartbeats and nakakapagpatalas ng pag-iisip
ng mga bata. Nakakatulong din ang omega 3 na maiwasan ang depression, dementia
at arthritis.
Ang mga matatabang isda tulad ng salmon, herring, sardinas at
tuna ang may pinakamataas na omega 3 content. Ang mga matatanda ay maaring
kumain ng at least two serving ng omega-3 rich fish kada linggo. Ang mga isda
tulad ng tilapia at catfish ay hindi nakakatulong sa ating kalusugan dahil
marami itong unhealthy fatty acids. Ang magadang paraan ng pagluluto ng isda ay
broiling at baking. Iwasan ang pagprito dahil hindi maganda ang unhealthy fats
sa katawan.
Comments
Post a Comment