Mga Isdang Dapat Bawasan sa Pagkain ng mga Buntis
Ang mga isda at lamang dagat ay mainam na pinagkukunan ng
mahahalagang nutrients sa ating katawan tulad ng protina, iron at zinc. Ito ay
mahalaga lalo na sa kalusugan ng sanggol sa sinapupunan ng ina. Nagtataglay din
ang mga isda ng omega 3 fatty acids na mahalaga para sa brain development ng
sanggol.
Ngunit may ilang klase ng isda na dapat bawasan sa pagkain ng
mga buntis. Ang halimbawa nito ay ang mga pating, matang dagat o tile fish,
blue marlin at king mackerel. Ang mga isdang ito ay may taglay na mataas na
lebel ng mercury. Ang mercury ay kemikal na maaaring maimbak sa dugo at
maaaring maipasa sa sanggol sa sinapupunan. Ang mercury ay maaaring makasira ng
utak at nervous system ng sanggol. Limitahan sa dalawa hanggang tatlong serving
ng mga isdang nabanggit kada linggo para ligtas ang pagbubuntis.
Narito ang ilang mga isda na masustansya at ligtas kainin ng mga
buntis: salmon, dilis, tawilis at sardinas.
Comments
Post a Comment