Isda Para Sa Puso

Isda Para Sa Puso
Payo ni Dr. Willie T. Ong, Doktor Doktor Lads at Nutrisyong Pinoy

Tanong: Doc, totoo po ba nakaka-high blood yung taba ng bangus?

Sagot: Hindi totoo. Sa katunayan, pampababa ng high blood ang mga isda tulad ng bangus. May Omega 3 fatty acids ang bangus, salmon at sardines na makatutulong sa pasyenteng may sakit sa puso, high blood o palpitasyon. Pinapaganda ng Omega 3 fatty acids ang daloy ng dugo sa ugat para hindi magkaroon ng stroke at heart attack.

Ang taba ng baboy at baka (lechon, pork chop, crispy pata at chicharon) ang siguradong nakaka-high blood at nagdudulot ng stroke at atake sa puso kapag nasobrahan. Kaya kung pwede ay iwasan o bawasan na ang pagkain ng baboy at baka. Kumain na lang ng isda tulad ng bangus para humaba ang buhay.

Comments

Popular posts from this blog

Mga Tirang Pagkain, Wag Paabutin ng Higit sa Apat na Araw sa Ref!

Kumain ng Isda na Mayaman sa Omega 3 Fatty Acids Para Iwas Sakit sa Puso