Sustansyang Taglay ng Malunggay


Sustansyang Taglay ng Malunggay
by Dr Willie T Ong at Nutrisyong Pinoy

Ang dahon ng malunggay ay punong-puno ng calcium at iron. Ang calcium ay nagpapatigas ng ating buto at panlaban sa osteoporosis. Kung ikaw naman ay anemic o kulang sa dugo, sagana ang malunggay sa iron na nagpapadami ng ating dugo.

Mataas din sa protina, potassium, vitamin A at vitamin C ang malunggay. Ang mga bitaminang ito ay tinatawag na anti-oxidants. Ito yung lumalaban sa stress at nagpapabagal sa pag-edad ng ating katawan.

Kumpara sa ibang prutas at gulay, ang malunggay ay may mas maraming bitamina. Super-gulay talaga ang malunggay. Ang problema lang ay dapat masanay ang bata na kumain nito.

Ang prutas ng malunggay ay masustansya din at mataas sa carbohydrates, calcium, iron at phosphorus.

At dahil sa bitamina nito, ang malunggay ngayon ang pinapakain sa mga payat at malnourished na bata. Mura at masustansya ang malunggay. Puwedeng-puwede sa mga feeding program ng gobyerno at mga volunteer groups.

Comments

Popular posts from this blog

Mga Tirang Pagkain, Wag Paabutin ng Higit sa Apat na Araw sa Ref!

Kumain ng Isda na Mayaman sa Omega 3 Fatty Acids Para Iwas Sakit sa Puso

Isda Para Sa Puso