Kamay ay Hugasan Upang Laging Malusog ang Katawan!


Kamay ay Hugasan Upang Laging Malusog ang Katawan!
Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian

Ang paghuhugas ng kamay at pagpapanatiling malinis ang mga ito ay importanteng paraan upang maiwasan ang pagkakasakit at pagkalat nito. Maraming mga sakit ang nakukuha mula sa hindi paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig.

Ang mga dumi mula sa tao o hayop ay pinagmumulan ng mga germs tulad ng Salmonella, Escherichia coli at norovirus na kadalasang nagdudulot ng diarrhea at pagkalat ng mga respiratory infections tulad ng adenovirus at foot and mouth disease. Maaaring mapunta ang germs sa kamay ng isang tao sa pamamagitan ng paggamit ng banyo, pagpalit ng diaper, paghawak ng karne o maduduming bagay. Kapag hindi nahugasan ang kamay, maaari itong magdulot ng sakit at pagkalat sa iba pang tao.

Ang tamang paghuhugas ng kamay ay nag-aalis ng germs na makakatulong na maiwasan ang maraming sakit. Maaaring magkaroon ng sakit kapag hindi naghugas ng kamay at hahawakan ang mga mata, ilong at bibig. Maaari ring maikalat ang mga germs sa paghawak ng mga bagay tulad ng doorknob, laruan, cellphone at iba pa. Maaaring magkasakit ang mga taong makakahawak sa mga bagay na ito na kontaminado na ng germs. Ang paghuhugas ng kamay ay makakatulong maiwasan ang diarrhea at respiratory infections.

Humigit kumulang 1.8 mlyong bata na may edad limang taon pababa ang namamatay dahil sa diarrhea at pneumonia. Ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig at magbibigay ng proteksyon sa mga bata upang hindi sila magkaroon ng diarrhea at penumonia. Kailangan na turuan ang mga bata ng tamang paghuhugas ng kamay at ang kahalagahan nito.

Comments

Popular posts from this blog

Mga Tirang Pagkain, Wag Paabutin ng Higit sa Apat na Araw sa Ref!

Kumain ng Isda na Mayaman sa Omega 3 Fatty Acids Para Iwas Sakit sa Puso

Isda Para Sa Puso