Calcium, Vitamin D at Ehersisyo Para Osteoporosis Maiwasan

Calcium, Vitamin D at Ehersisyo Para Osteoporosis Maiwasan
Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian

Ang osteoporosis ay kadalasang sakit ng matatanda kung saan nagiging mahina at marupok ang mga buto. Kadalasan itong nauuwi sa pagkabali ng mga buto. Parehong nagkakaroon ng osteoposis ang mga babae at lalake ngunit mas madalas itong nakikita sa mga babae lalo na ang nagmenopause na.

Para maiwasan ang osteoporosis, siguruhin na nakakakuha ng sapat na calcium, vitamin D at exercise.

1. Ang calcium ay maaaring makuha mula sa low-fat dairy products, dark green leafy vegetables, salmon at sardinas, tokwa at cereals na mayaman sa calcium.

2. Ang vitamin D ay importante upang maabsorb ng katawan natin ang calcium. Maaaring makuha ang vitamin D mula sa exposure sa araw ngunit huwag magbabad sa araw ng matagal upang maiwasan ang skin cancer.

3. Ang ehersisyo ay nakakatulong na patibayin at palakasin ang mga buto. Maaaring subukan ang paglangoy, pagbibisikleta, pagtakbo at paglalakad.

Comments

Popular posts from this blog

Mga Tirang Pagkain, Wag Paabutin ng Higit sa Apat na Araw sa Ref!

Kumain ng Isda na Mayaman sa Omega 3 Fatty Acids Para Iwas Sakit sa Puso

Isda Para Sa Puso