Balanseng Diet, Mas Epektibo sa Pagpapapayat

Balanseng Diet, Mas Epektibo sa Pagpapapayat
Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian

Mahalaga ang pagpili ng mga kakainin at laging pakatandaan na hindi natin makukuha sa iisang pagkain ang lahat ng nutritents na kailangan ng ating katawan kaya laging sinasabi na “eat wide variety of foods”. Ang pagkakaroon ng well-balanced diet mula sa prutas, gulay, whole grains, lean meats at isda ay nakatutulong sa pagkakaroon ng healthy lifestyle. Ang mga pagkain na mayaman sa fiber tulad ng prutas, gulay, legumes, whole grains ay nakatutulong sa mabilisang pagkabusog. Mahalaga din ang tubig sa pag-adapt ng GI tract sa ma-fiber na pagkain.

Huwag hayaan na gutumin o i-deprive ang sarili natin sa pagkain, dahil mas malaki ang tyansa na mas kakain tayo ng madami at kadalasan mga unhealthy na pagkain pa. Mas maganda din ang pagkain ng small portions kada meal kumpara sa minsanang dami ng pagkain. Bigyang pansin din ang servings o ang dami ng bawat pagkaing kakainin, kalimitan kung ano ang nakikita ng ating mga mata ay syang kakainin natin, kung kaya't mahalaga na tamang dami lamang ng pagkain ang nakahain upang hindi tayo maengganyo na kumain ng mas marami. 

Laging pakatandaan na ang pagbabawas ng timbang sa tamang paraan ay upang magkaroon tayo ng healthy lifestyle at maiwasan ang mga maaaring maging sakit at hindi lamang dahil sa pisikal na aspeto.

Comments

Popular posts from this blog

Mga Tirang Pagkain, Wag Paabutin ng Higit sa Apat na Araw sa Ref!

Kumain ng Isda na Mayaman sa Omega 3 Fatty Acids Para Iwas Sakit sa Puso

Isda Para Sa Puso