Kumain ng Isda na Mayaman sa Omega 3 Fats Para Iwas Sakit sa Puso


Kumain ng Isda na Mayaman sa Omega 3 Fats 
Para Iwas Sakit sa Puso
Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian

Ayon sa American Heart Association, ang pagkain ng mga isdang mayaman sa omega-3 fatty acids ng dalawang beses sa isang linggo o higit pa ay makakatulong na pababain ang posibilidad ng pagkakaroon ng sakit sa puso partikular na ang cardiac arrest.

Ang omega 3 fatty acids ay unsaturated fatty acid na tumutulong na maiwasan ang inflammation sa ating katawan. Ang inflammation ay maaaring makasira sa ating mga ugat na magdudulot ng sakit sa pyso. Pinapababa ng omega 3 ang triglycerides, blood pressure, blood clotting, iniiwasan din nito ang stroke, heart failure, irregular heartbeats and nakakapagpatalas ng pag-iisip ng mga bata. Nakakatulong din ang omega 3 na maiwasan ang depression, dementia at arthritis.

Ang mga matatabang isda tulad ng salmon, herring, sardinas at tuna ang may pinakamataas na omega 3 content. Ang mga matatanda ay maaring kumain ng at least two serving ng omega-3 rich fish kada linggo. Ang mga isda tulad ng tilapia at catfish ay hindi nakakatulong sa ating kalusugan dahil marami itong unhealthy fatty acids. Ang magadang paraan ng pagluluto ng isda ay broiling at baking. Iwasan ang pagprito dahil hindi ito maganda sa katawan.

Comments

Popular posts from this blog

Mga Tirang Pagkain, Wag Paabutin ng Higit sa Apat na Araw sa Ref!

Kumain ng Isda na Mayaman sa Omega 3 Fatty Acids Para Iwas Sakit sa Puso

Nutrition Tips Para sa mga Sumasailalim sa Dialysis