Huwag Sobra sa Asin Para Iwas Sakit sa Puso at Bato

Huwag Sobra sa Asin Para Iwas Sakit sa Puso at Bato
Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian

Sino ba naman ang hindi maeengganyo sa mapang-akit na amoy ng mga fast food restaurants? Ang makatawag pansin na mga packaging ng junk foods? Ang very convenient na mga canned goods? At ang naggagandahang design ng mga cake at doughnut? Siguaradong patok ang mga ito sa nakararami, ngunit ano nga ba ang epekto ng palagiang pagkain ng mga ito?

Iniiwasan natin ang mataas na pagkonsumo ng sodium dahil nakakaapekto ito sa mga taong may Hypertension, Congestive Heart Failure, mga may sakit sa bato, Edema o ang manas. Pwedeng lumala ang mga sakit na ito kapag hindi makontrol ang pagkain ng asin.

Piliin natin ang ang mga pagkaing sariwa at hindi pa naisasailalim sa ibat ibang proseso katulad ng mga gulay, prutas, sariwang karne at isda, manok. Maliban sa hindi ito nakakadagdag sa pagkonsumo ng sodium ay nagtataglay ito ng mga bitamina at ibang nutrients na kailangan ng ating katawan.

Hindi naman masamang kumain sa fast food paminsan minsan, pero huwag nating dalasan dahil karamihan sa mga pagkain na nasa menu ay mataas sa sodium upang mas maging malasa ang mga pagkain.

Mahalaga din na tignan natin ang mga food label sa likod ng mga pakete ng pagkain bago natin bilhin ang isang produkto dahil ang sodium level na kailangan natin sa isang araw ay nasa 2400 mg. Kapag nakita nating low sodium, ibig sabihin may taglay itong sodium 140 mg pababa kada serving. Kapag light in sodium ay 50% less sodium. Ang reduced sodium ay 25% less sodium sa regular na produkto.

Kung gusto natin na maging malasa ang pagkain, gumamit nalang tayo ng low-sodium spices at condiments tulad ng garlic, ginger, onion, thyme, lemon juice, basil, mint, parsley.

Ilan sa mga matataas ang sodium content ay ang mga junk foods, mga delatang pagkain, noodles, bread, mga cured meat tulad ng ham, bologna, tocino, salted fish, catsup, gravy, cakes, cookies, doughnut kaya hanggang maaari ay bawasan ang pagkain nito

Comments

Popular posts from this blog

Mga Tirang Pagkain, Wag Paabutin ng Higit sa Apat na Araw sa Ref!

Kumain ng Isda na Mayaman sa Omega 3 Fatty Acids Para Iwas Sakit sa Puso

Isda Para Sa Puso