Huwag Sanayin sa Matatamis na Pagkain ang mga Bata


Huwag Sanayin sa Matatamis na Pagkain ang mga Bata
Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian

Huwag nating sanayin na laging matatamis ang kinakain ng mga bata. Kapag nasanay ang dila nila sa mga matatamis na pagkain tulad ng candies at chocolates, aayawan na nila ang mga gulay at prutas dahil sadyang hindi ito masyadong matamis at halos walang lasa. 

Maganda na bata pa lang sila ay masanay na ang dila nila sa pagkain ng mga prutas at gulay na napakasustansya. Makakatulong ito sa paglaki nila, pagiging malusog at malayo sa sakit. Kapag puro kendi at softdrinks na lamang ang ibibigay natin sa kanila, malaki ang posibilidad na magkaroon sila ng obesity o labis na katabaan na maaaring magdulot ng napakaraming komplikasyon sa hinaharap tulad ng altapresyon, sakit sa puso, stroke at marami pang iba.

Comments

Popular posts from this blog

Mga Tirang Pagkain, Wag Paabutin ng Higit sa Apat na Araw sa Ref!

Kumain ng Isda na Mayaman sa Omega 3 Fatty Acids Para Iwas Sakit sa Puso

Isda Para Sa Puso