Masamang Epekto sa Kalusugan Kapag Lagi ang Kain ng Fried Chicken


Masamang Epekto sa Kalusugan Kapag Lagi 
ang Kain ng Fried Chicken
Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian

Nakakaakit talagang kumain ng fried chicken lalo na kung galing sa mga pinakapaborito nating mga fastfood chain. Ngunit ang fried chicken ay isa sa mga worst foods na nakakasama sa iyong kalusugan.

Dahil babad sa mantika ang fried chicken, mataas ito sa calories at mantika. Ang pagkain ng maraming taba at calories ay maaaring magresulta sa obesity o katabaan. Hindi ka rin nakakasiguro sa mantika na ginagamit na pamprito ng fried chicken. Ang mga mantika na ginagamit kadalasan ay mga hydrogenated o partially hydrogenated vegetable oils. Ang mga ito ay ibang tawag sa trans fat at ang trans fat ay masama dahil nakakapagpataas ito ng cholesterol at LDL na masama para sa ating kalusugan. Ang pagprito ay nakakataas ng mga advanced glycation end produts sa pagkain na nagdudulot ng pamumuo ng ilang mga carcinogens (nagdudulot ng cancer). Ang pagprito ng pagkain lalo na sa sobrang init na mantika ay nakakaalis ng mga good nutrients sa pagkain. Nagdudulot din ang mga prinitong pagkain ng high blood cholesterol na masama sa mga may sakit sa puso at altapresyon.

Sa susunod na makakakita ka ng fried chicken, itanong mo muna sa sarili mo kung ayos lang ba sa iyo na masakripisyo ang iyong kalusugan. Ayos lang kung paminsan-minsan lang. Sa lahat po ng bagay, moderation dapat. Hinay-hinay lang. Masarap kumain pero alalahanin natin na lahat ng ipinapasok natin sa ating katawan ay may karampatang resulta sa ating kalusugan. Nasa iyo yan kung ang kakainin mo ay makakatulong o makakasama sa iyong kalusugan. Hangga't bata ka pa at walang sakit, kumain ka ng tama at masustansya.

Comments

Popular posts from this blog

Mga Tirang Pagkain, Wag Paabutin ng Higit sa Apat na Araw sa Ref!

Kumain ng Isda na Mayaman sa Omega 3 Fatty Acids Para Iwas Sakit sa Puso

Isda Para Sa Puso