Pagkain Para Hindi Maging Malilimutin
Alam mo ba na ang kinakain mo ay nakakaapekto sa iyong utak? Ang
Mediterranean diet at DASH diet ay parehong nakakatulong na makaiwas sa sakit
sa puso ngunit nakita rin na nakakatulong ito upang maiwasan ang pagiging
malilimutin.
Nagdisenyo ang mga siyentipiko ng diet na tinatawag na
Mediterranean-DASH diet para iwasan ang neurodegeneration na nagdudulot ng
dementia. Ayon sa pag-aaral ang mga gulay, lalo na ang mga berdeng gulay ay
nakakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng dementia.
Narito ang sampung brain-healthy foods mula sa MIND diet:
1. Berdeng gulay
2. Mga gulay
3. Mani
4. Beans
5. Whole grains
6. Seafood
7. Poultry
8. Olive oil
9. Wine
10. berries
Narito naman ang limang pagkain na dapat iwasan o bawasan para
maging malusog ang utak.
1. Red meat
2. Butter at margarine
3. Keso
4. Matatamis na pagkain
5. Pritong pagkain at fast food
Nakita sa pag-aaral na ang MIND diet ay tunay nakakatulong
maiwasan ang cognitive decline kaya pinoprotektahan nito ang isang tao sa
pagkakaroon ng dementia.
Comments
Post a Comment