Kumain ng Masustansyang Mais


Kumain ng Masustansyang Mais
Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian

Ang mais ay masustansyang pagkain, mataas ang fiber content nito na nakakatulong sa pagtunaw ng pagkain, mayroon din itong folate, thiamin, phosphorus, vitamin C at magnesium na nakakatulong na mapatibay ang ating mga buto.

Marami ring antioxidants na makikita sa mais na nakakatulong upang labanan ang cancer. Mayroon din itong anti-atherogenic effect na nakakatulong na mabawasan ang risk ng pagkakaroon ng sakit sa puso. Nakakatulong din ang mais na mapababa ang blood pressure na mahalaga upang maiwasan ang heart attack at stroke.

May mga pag-aaral na din na naisagawa na ang pagkain ng mais ay nakakatulong upang makontrol ang diabetes. Ang mga phytochemicals mula sa mais ay tumutulong sa paglalabas ng insulin ng katawan upang maiwasan ang sobrang pagtaas ng asukal sa dugo.

Comments

Popular posts from this blog

Mga Tirang Pagkain, Wag Paabutin ng Higit sa Apat na Araw sa Ref!

Kumain ng Isda na Mayaman sa Omega 3 Fatty Acids Para Iwas Sakit sa Puso

Isda Para Sa Puso