Kain nang Kain? Baka Binge-eating disorder na yan!

 


Kain nang Kain? Baka Binge-eating disorder na yan!
Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian

Isa itong disorder kung saan madalas na kumakain ng sobrang daming pagkain ang isang tao at hindi nito mapigilan ang sarili sa pagkain.

Karamihan ng mga taong may binge-eating disorder ay overweight o obese ngunit mayroon din naman na may normal na timbang. Ang mga behavioral at emotional na sintomas at senyales ng sakit na ito ay:

1. Pagkain ng sobrang daming pagkain

2. Hindi makontrol ang sarili sa pagkain

3. Kumakain pa rin kahit busog na o hindi naman gutom

4. Mabilis na pagkain

5. Kain ng kain hanggang sa sobrang sakit na ng tiyan sa busog

6. Mag-isang kumakain at itinatago ito sa iba

7. Nakakaranas ng depression, galit at hiya dahil sa pagkain ng madami

8. Laging sumusubok mag-diet pero hindi pumapayat

Kung mayroon ka ng mga sintomas ng binge-eating disorder, kumonsulta sa iyong doktor. Kung ayaw mong pumunta sa doktor, kausapin ang taong pinagkakatiwalaan mo tungkol sa iyong pinagdadaanan. Isang kaibigan, mahal sa buhay, teacher o faith leader ay makakatulong sa iyo upang maalis ang iyong binge eating disorder.

Hindi pa alam ang tiyak na dahilan ng binge-eating disorder. Ngunit may kontribusyon ang genetics, biological factors, long-term dieting at psychological issues sa pagkakaroon ng sakit na ito. Ang mga taong may psychological disorders tulad ng depression, bipolar disorder, anxiety at substance use disorders ay may mas mataas na posibilidad na magkaroon ng binge-eating disorder.

Comments

Popular posts from this blog

Mga Tirang Pagkain, Wag Paabutin ng Higit sa Apat na Araw sa Ref!

Kumain ng Isda na Mayaman sa Omega 3 Fatty Acids Para Iwas Sakit sa Puso

Isda Para Sa Puso