Health Benefits ng Pagkain ng Kamatis


Health Benefits ng Pagkain ng Kamatis
Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian

1. Ang kamatis ay may taglay na carotenoids tulad ng alpha at beta carotene, lutein at lycopene na maganda para sa ating kalusugan.

2. Ang lycopene ay may mataas na antioxidant activity na tumutulong upang protektahan ang cells natin mula sa oidative damage.

3. Nakakatulong ang kamatis na mabawasan ang risk ng pagkakaroon ng prostate cancer.

4. Nakakatulong din itong makabawas n risk ng pancreatic cancer ayon sa pag-aaral ng The University of Montreal. Ang lycopene ay nagdudulot ng 31% reduction sa pancreatic risk.

5. May taglay itong vitamin E at vitamin C na nakakatulong upang mapalakas ang ating resistensya.

6. Mayaman sa potassium ang kamatis na nakakatulong upang mapababa ang blood pressure.

7. Nakakatulong ang pagkain ng kamatis upang mapababa ang risk ng pagkakaroon ng sakit sa puso at cancer ayon sa pananaliksik ng The University of Athens Medical Scohol at Harvard School of Public Health.

8. May taglay na flavonols ang kamatis na maraming benefits sa ating katawan.


Comments

Popular posts from this blog

Mga Tirang Pagkain, Wag Paabutin ng Higit sa Apat na Araw sa Ref!

Kumain ng Isda na Mayaman sa Omega 3 Fatty Acids Para Iwas Sakit sa Puso

Isda Para Sa Puso