Mabilis na Pagpapayat, Masama Para sa Kalusugan

Mabilis na Pagpapayat, Masama Para sa Kalusugan
Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian

Gusto nating magbawas ng timbang pero kalimitan tinatamad tayo na mag-ehersisyo at mas pinipili natin ang mga pagkaing instant at hindi na nangangailangan pa ng matagalang lutuan. Gusto natin ng mabilisan na resulta. Hindi kailangang madaliin ang pagbabawas ng timbang, ito ay hindi mabilisang proseso. Ang katanggap tanggap na pagbawas ng timbang ay dalawa hanggang apat na kilo kada buwan. Maaari din na 10% ng kabuuang timbang ang mabawas sa loob ng 6 na buwan. Anuman na sobra dito ay hindi maganda para sa iyong kalusugan.

Kung sobra ang timbang, kahit maliit na pagbawas sa timbang ay mahalaga lalo na at makatutulong ito na makontrol ang diabetes, mabawasan ang panganib na dulot ng heart disease sa pamamagitan ng pagpapababa ng blood pressure at blood cholesterol.

Kapag malaki ang pagbawas san timbang sa loob ng maikling panahon, may tinatawag tayong yo-yo dieting o yo-yo effect, kung saan sa umpisa ay makikitaan natin ng resulta ang pagababawas ng timbang pero hindi ito pangmatagalang panahon, dahil maaaring bumalik o mag-uumpisa muling madagdagan ang iyong timbang at maaaring mas mataas pa sa dati mong timbang.

Upang mas maging epektibo ang pagbabawas, pinaghalong tamang pagkain at pag eehersisyo ang kailangan. Kung ayaw nating bawasan ang ating pagkain, maaaring dagdagan natin ang pagkikilos o pageehersisyo. Maaari din na bawasan nang kaunti ang kinakain kung ayaw nating mag-ehersisyo upang maiwasan ang pagdami ng taba sa ating katawan.

Comments

Popular posts from this blog

Mga Tirang Pagkain, Wag Paabutin ng Higit sa Apat na Araw sa Ref!

Kumain ng Isda na Mayaman sa Omega 3 Fatty Acids Para Iwas Sakit sa Puso

Isda Para Sa Puso