Nutrition Tips Para sa mga Sumasailalim sa Dialysis


Nutrition Tips Para sa mga Sumasailalim sa Dialysis
Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian

Ang Chronic Kidney Disease ay ang unti unting pagkasira ng ating mga bato at maaaring mauwi sa tuluyang pagkasira nito. Ang ating mga bato ang responsible sa pagsala ng mga dumi at ang pagbabalanse ng water fluids sa ating katawan.

Ang pangunahing layunin sa mga taong may Chronic Kidney Disease ay ang mapabagal ang paglala ng pagkasira ng bato at mapigilan ang iba pang komplikasyon. Mahalaga ang pagbibigay ng tamang pagkain sa mga may CKD upang maiwasan ang mabilis na pagkasira ng ating bato, pagkakaroon ng ibang komplikasyon at sobrang pag-function ng bato upang salain ng mga dumi sa ating katawan.

Kinakailangan na sapat ang dami ng pagkain upang mapanatili ang tamang timbang at maiwasan ang wasting o labis na pagpayat. Ang malaking bahagi ng pagkain ay magmumula sa complex carbohydrates tulad ng peas, beans, whole grains at gulay.

Iwasan ang sobrang dami o sobrang konti ng protina dahil kadalasan sa mga renal patients ay nakararanas ng protein energy malnutrition kung saan kulang ang kinakain na protina at pagkain upang mapunan ang pangangailangan ng ating katawan. Sapat dapat ang dami ng protina upang maiwasan din ang ang mabilis na paglala ng pagkasira ng bato. Piliin ang mga high quality protein tulad ng itlog, milk products, meat, manok, isda at soybeans.

Kontrolin ang pagkonsumo ng mga saturated fat o ang mga taba na nagmumula sa karne at balat ng manok. Piliin ang unsaturated fat katulad ng nuts, avocado, isda, vegetable oils.

Ang mga pasyente na nag hemodialysis ay dapat ikontrol ang potassium intake upang maiwasan ang hyperkalemia o ang sobrang potassium level sa dugo. Ilan sa mga pagkain na mataas sa potassium at dapat iwasan ay ang saging, avocado, milk and milk products, orange, patatas, kamatis, kalabasa, kamote. Upang mabawasan ang potassium sa pagkain, lutuin ang gulay sa madaming tubig at idrain ito. Kailangan din ng Vitamin D supplementation para maiwasan ang mga problema sa buto.

Tandaan na mainam na kumonsulta sa inyong doctor at sa isang registered nutritionist-dietitian upang mabigyan kayo ng diet plan upang makatulong na hindi lalong lumala ang kondisyon ng inyong kidney.

 

Comments

Popular posts from this blog

Mga Tirang Pagkain, Wag Paabutin ng Higit sa Apat na Araw sa Ref!

Kumain ng Isda na Mayaman sa Omega 3 Fatty Acids Para Iwas Sakit sa Puso

Isda Para Sa Puso