Tips Para Mapangalagaan ang Ating Mata
1. Kumain ng pagkaing mabuti sa mata. Ang maberdeng gulay tulad
ng kangkong, broccoli, camote tops (talbos) at spinach, ay nagpapalinaw ng
ating paningin. Siyempre ang mapupulang karot, kalabasa at kamatis (3 K’s) ay
may taglay na vitamin A para sa mata. Ang dilaw na pakwan ay may sangkap na
lutein na kailangan din ng mata. Ang pagkain ng matatabang isda tulad ng tuna,
tamban at tanigi (3 T’s) ay mahalaga din.
2. Umiwas sa nakasisilaw na bagay. Huwag tumitig sa araw at
maliwanag na ilaw. Subukan ding diliman ang ating computer screen at telebisyon
para hindi tayo masilaw.
3. Huwag magbasa sa dilim. Mahihirapan ang ating mata sa
pagbabasa sa madilim. Gumamit ng katamtamang puting ilaw (at hindi dilaw). Huwag
idirekta ang liwanag sa mata.
4. Huwag magtrabaho ng mahabang oras sa harap ng computer o TV.
Subukan ang payong “20-20-20”. Ano ito? Bawat 20 minutos sa harap ng computer o
TV, tumingin sa malayong lugar (mga 20 feet ang layo) ng 20 segundo. Makababawas
ito sa pagod ng ating mata.
5. Ihinto ang paninigarilyo. Umiwas din sa usok ng ibang
naninigarilyo. Napakasama ng paninigarilyo sa mata dahil puwede itong magdulot
ng katarata at pagkabulag.
6. Umiwas sa maalikabok at maduming lugar. Napapansin mo ba na
kapag nasa mausok o maalikabok kang lugar ay namumula ang iyong mata? Kapag
sumakay ka ng jeep o nag-inuman sa bar, hindi ba namumula ang iyong mata? Ito’y
dahil nakakairita ang usok at alikabok sa ating mata. Nakasasama po ito sa
katagalan.
7. HINDI po bawal maghilamos kapag bagong gising, bago matulog o
pagkatapos mag-computer. Kailangan natin maghilamos para hindi magkaroon ng
kuliti at impeksyon sa mata.
Para maalagaan ang mata, magpa-check up ng mata bawat 1-2 taon.
Comments
Post a Comment