Mga Dapat Malaman Tungkol sa Food Allergy


Mga Dapat Malaman Tungkol sa Food Allergy

Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian

Ang food allergy ay nangyayari kapag ang iyong immune system ay nagrereact sa pagkain na iyong kinain. Gumagawa ng antibodies ang iyong katawan sa unang beses na makain mo ang isang pagkain kung saan ka allergic. Sa pangalawang beses na kainin mo ito, doon mo na mararanasan ang mga sintomas. Ang antibodies sa iyong katawan ay magdudulot ng paglalabas ng histamine upang labanan ang pagkain na iyong kinain. Ang histamine ay chemical sa ating katawan na pwedeng makaapekto sa paghinga, sa ating bituka, puso at ugat.

Ang mga sintomas ng food allergy ay pamamaga ng dila at lalamunan, pagkakaroon ng malalaking pantal at skin rashes, pagsusuka, pagsakit ng tiyan, nahihirapan sa paghinga, pagtatae, pagbagsak ng blood pressure at pagkawalan ng malay. Pwede ding magkaroon ng severe reaction o anaphylaxis na nakakamatay kapag hindi naagapan. Ang mga pagkain na madalas nagdudulot ng allergic reaction ay gatas, itlog, mani, seafood tulad ng hipon at shells.

Para malaman mo kung ano ang iyong allergy sa pagkain. Maaaring gumawa ng food diary para malaman mo ang kinain mo kapag nagkaroon ka ng allergy. Pwede ding kumonsulta sa inyong doktor upang magawan kayo ng oral food challenges, allergy skin test at iba pang test para malaman kung saan kayo allergy.

Comments

Popular posts from this blog

Mga Tirang Pagkain, Wag Paabutin ng Higit sa Apat na Araw sa Ref!

Kumain ng Isda na Mayaman sa Omega 3 Fatty Acids Para Iwas Sakit sa Puso

Isda Para Sa Puso