Posts

Kumain ng Isda na Mayaman sa Omega 3 Fatty Acids Para Iwas Sakit sa Puso

Image
  Kumain ng Isda na Mayaman sa Omega 3 Fatty Acids Para Iwas Sakit sa Puso Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian Ayon sa American Heart Association, ang pagkain ng mga isdang mayaman sa omega-3 fatty acids ng dalawang beses sa isang linggo o higit pa ay makakatulong na pababain ang posibilidad ng pagkakaroon ng sakit sa puso partikular na ang cardiac arrest. Ang omega 3 fatty acids ay unsaturated fatty acid na tumutulong na maiwasan ang inflammation sa ating katawan. Ang inflammation ay maaaring makasira sa ating mga ugat na magdudulot ng sakit sa puso. Pinapababa ng omega 3 ang triglycerides, blood pressure, blood clotting, iniiwasan din nito ang stroke, heart failure, irregular heartbeats and nakakapagpatalas ng pag-iisip ng mga bata. Nakakatulong din ang omega 3 na maiwasan ang depression, dementia at arthritis. Ang mga matatabang isda tulad ng salmon, herring, sardinas at tuna ang may pinakamataas na omega 3 content. Ang mga matatanda ay maaring kumain

Mga Dapat Malaman Tungkol sa Food Allergy

Image
Mga Dapat Malaman Tungkol sa Food Allergy Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian Ang food allergy ay nangyayari kapag ang iyong immune system ay nagrereact sa pagkain na iyong kinain. Gumagawa ng antibodies ang iyong katawan sa unang beses na makain mo ang isang pagkain kung saan ka allergic. Sa pangalawang beses na kainin mo ito, doon mo na mararanasan ang mga sintomas. Ang antibodies sa iyong katawan ay magdudulot ng paglalabas ng histamine upang labanan ang pagkain na iyong kinain. Ang histamine ay chemical sa ating katawan na pwedeng makaapekto sa paghinga, sa ating bituka, puso at ugat. Ang mga sintomas ng food allergy ay pamamaga ng dila at lalamunan, pagkakaroon ng malalaking pantal at skin rashes, pagsusuka, pagsakit ng tiyan, nahihirapan sa paghinga, pagtatae, pagbagsak ng blood pressure at pagkawalan ng malay. Pwede ding magkaroon ng severe reaction o anaphylaxis na nakakamatay kapag hindi naagapan. Ang mga pagkain na madalas nagdudulot ng allergic rea

Tips Para Mapangalagaan ang Ating Mata

Image
Tips Para Mapangalagaan ang Ating Mata Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian 1. Kumain ng pagkaing mabuti sa mata. Ang maberdeng gulay tulad ng kangkong, broccoli, camote tops (talbos) at spinach, ay nagpapalinaw ng ating paningin. Siyempre ang mapupulang karot, kalabasa at kamatis (3 K’s) ay may taglay na vitamin A para sa mata. Ang dilaw na pakwan ay may sangkap na lutein na kailangan din ng mata. Ang pagkain ng matatabang isda tulad ng tuna, tamban at tanigi (3 T’s) ay mahalaga din. 2. Umiwas sa nakasisilaw na bagay. Huwag tumitig sa araw at maliwanag na ilaw. Subukan ding diliman ang ating computer screen at telebisyon para hindi tayo masilaw. 3. Huwag magbasa sa dilim. Mahihirapan ang ating mata sa pagbabasa sa madilim. Gumamit ng katamtamang puting ilaw (at hindi dilaw). Huwag idirekta ang liwanag sa mata. 4. Huwag magtrabaho ng mahabang oras sa harap ng computer o TV. Subukan ang payong “20-20-20”. Ano ito? Bawat 20 minutos sa harap ng comput

Masamang Epekto Ng Sobrang Pag-inom ng Matatamis na Inumin

Image
Masamang Epekto Ng Sobrang Pag-inom  ng Matatamis na Inumin Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian Ang mga matatamis na inumin ang isa sa pinakamabilis magpataba sa iyo. Kapag umiinom ka ng matamis, hindi ka agad nabubusog kaya mas napaparami ang naiinom mo at mas marami ang nakokonsumo mong asukal. Ang pag-inom ng matatamis inumin ay maaaring magdulot ng obesity, type 2 diabetes, sakit sa puso at stroke. Sa halip na uminom ng fruit juice o softdrinks, mas aminam na kumain na lamang ng prutas dahil may taglay pa itong fiber at mas kaunti ang asukal.

Mga Isdang Dapat Bawasan sa Pagkain ng mga Buntis

Image
Mga Isdang Dapat Bawasan sa Pagkain ng mga Buntis Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian Ang mga isda at lamang dagat ay mainam na pinagkukunan ng mahahalagang nutrients sa ating katawan tulad ng protina, iron at zinc. Ito ay mahalaga lalo na sa kalusugan ng sanggol sa sinapupunan ng ina. Nagtataglay din ang mga isda ng omega 3 fatty acids na mahalaga para sa brain development ng sanggol. Ngunit may ilang klase ng isda na dapat bawasan sa pagkain ng mga buntis. Ang halimbawa nito ay ang mga pating, matang dagat o tile fish, blue marlin at king mackerel. Ang mga isdang ito ay may taglay na mataas na lebel ng mercury. Ang mercury ay kemikal na maaaring maimbak sa dugo at maaaring maipasa sa sanggol sa sinapupunan. Ang mercury ay maaaring makasira ng utak at nervous system ng sanggol. Limitahan sa dalawa hanggang tatlong serving ng mga isdang nabanggit kada linggo para ligtas ang pagbubuntis. Narito ang ilang mga isda na masustansya at ligtas kainin ng mga bu

Kain nang Kain? Baka Binge-eating disorder na yan!

Image
  Kain nang Kain? Baka Binge-eating disorder na yan! Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian Isa itong disorder kung saan madalas na kumakain ng sobrang daming pagkain ang isang tao at hindi nito mapigilan ang sarili sa pagkain. Karamihan ng mga taong may binge-eating disorder ay overweight o obese ngunit mayroon din naman na may normal na timbang. Ang mga behavioral at emotional na sintomas at senyales ng sakit na ito ay: 1. Pagkain ng sobrang daming pagkain 2. Hindi makontrol ang sarili sa pagkain 3. Kumakain pa rin kahit busog na o hindi naman gutom 4. Mabilis na pagkain 5. Kain ng kain hanggang sa sobrang sakit na ng tiyan sa busog 6. Mag-isang kumakain at itinatago ito sa iba 7. Nakakaranas ng depression, galit at hiya dahil sa pagkain ng madami 8. Laging sumusubok mag-diet pero hindi pumapayat Kung mayroon ka ng mga sintomas ng binge-eating disorder, kumonsulta sa iyong doktor. Kung ayaw mong pumunta sa doktor, kausapin ang taong p

Balanseng Diet, Mas Epektibo sa Pagpapapayat

Image
Balanseng Diet, Mas Epektibo sa Pagpapapayat Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian Mahalaga ang pagpili ng mga kakainin at laging pakatandaan na hindi natin makukuha sa iisang pagkain ang lahat ng nutritents na kailangan ng ating katawan kaya laging sinasabi na “eat wide variety of foods”. Ang pagkakaroon ng well-balanced diet mula sa prutas, gulay, whole grains, lean meats at isda ay nakatutulong sa pagkakaroon ng healthy lifestyle. Ang mga pagkain na mayaman sa fiber tulad ng prutas, gulay, legumes, whole grains ay nakatutulong sa mabilisang pagkabusog. Mahalaga din ang tubig sa pag-adapt ng GI tract sa ma-fiber na pagkain. Huwag hayaan na gutumin o i-deprive ang sarili natin sa pagkain, dahil mas malaki ang tyansa na mas kakain tayo ng madami at kadalasan mga unhealthy na pagkain pa. Mas maganda din ang pagkain ng small portions kada meal kumpara sa minsanang dami ng pagkain. Bigyang pansin din ang servings o ang dami ng bawat pagkaing kakainin, kalimita