Mabilis na Pagpapayat, Masama Para sa Kalusugan
Mabilis na Pagpapayat, Masama Para sa Kalusugan Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian Gusto nating magbawas ng timbang pero kalimitan tinatamad tayo na mag-ehersisyo at mas pinipili natin ang mga pagkaing instant at hindi na nangangailangan pa ng matagalang lutuan. Gusto natin ng mabilisan na resulta. Hindi kailangang madaliin ang pagbabawas ng timbang, ito ay hindi mabilisang proseso. Ang katanggap tanggap na pagbawas ng timbang ay dalawa hanggang apat na kilo kada buwan. Maaari din na 10% ng kabuuang timbang ang mabawas sa loob ng 6 na buwan. Anuman na sobra dito ay hindi maganda para sa iyong kalusugan. Kung sobra ang timbang, kahit maliit na pagbawas sa timbang ay mahalaga lalo na at makatutulong ito na makontrol ang diabetes, mabawasan ang panganib na dulot ng heart disease sa pamamagitan ng pagpapababa ng blood pressure at blood cholesterol. Kapag malaki ang pagbawas san timbang sa loob ng maikling panahon, may tinatawag tayong yo-yo dieting o yo-yo...