Posts

Showing posts from 2020

Kumain ng Isda na Mayaman sa Omega 3 Fatty Acids Para Iwas Sakit sa Puso

Image
  Kumain ng Isda na Mayaman sa Omega 3 Fatty Acids Para Iwas Sakit sa Puso Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian Ayon sa American Heart Association, ang pagkain ng mga isdang mayaman sa omega-3 fatty acids ng dalawang beses sa isang linggo o higit pa ay makakatulong na pababain ang posibilidad ng pagkakaroon ng sakit sa puso partikular na ang cardiac arrest. Ang omega 3 fatty acids ay unsaturated fatty acid na tumutulong na maiwasan ang inflammation sa ating katawan. Ang inflammation ay maaaring makasira sa ating mga ugat na magdudulot ng sakit sa puso. Pinapababa ng omega 3 ang triglycerides, blood pressure, blood clotting, iniiwasan din nito ang stroke, heart failure, irregular heartbeats and nakakapagpatalas ng pag-iisip ng mga bata. Nakakatulong din ang omega 3 na maiwasan ang depression, dementia at arthritis. Ang mga matatabang isda tulad ng salmon, herring, sardinas at tuna ang may pinakamataas na omega 3 content. Ang mga matatanda ay maaring kumain

Mga Dapat Malaman Tungkol sa Food Allergy

Image
Mga Dapat Malaman Tungkol sa Food Allergy Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian Ang food allergy ay nangyayari kapag ang iyong immune system ay nagrereact sa pagkain na iyong kinain. Gumagawa ng antibodies ang iyong katawan sa unang beses na makain mo ang isang pagkain kung saan ka allergic. Sa pangalawang beses na kainin mo ito, doon mo na mararanasan ang mga sintomas. Ang antibodies sa iyong katawan ay magdudulot ng paglalabas ng histamine upang labanan ang pagkain na iyong kinain. Ang histamine ay chemical sa ating katawan na pwedeng makaapekto sa paghinga, sa ating bituka, puso at ugat. Ang mga sintomas ng food allergy ay pamamaga ng dila at lalamunan, pagkakaroon ng malalaking pantal at skin rashes, pagsusuka, pagsakit ng tiyan, nahihirapan sa paghinga, pagtatae, pagbagsak ng blood pressure at pagkawalan ng malay. Pwede ding magkaroon ng severe reaction o anaphylaxis na nakakamatay kapag hindi naagapan. Ang mga pagkain na madalas nagdudulot ng allergic rea

Tips Para Mapangalagaan ang Ating Mata

Image
Tips Para Mapangalagaan ang Ating Mata Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian 1. Kumain ng pagkaing mabuti sa mata. Ang maberdeng gulay tulad ng kangkong, broccoli, camote tops (talbos) at spinach, ay nagpapalinaw ng ating paningin. Siyempre ang mapupulang karot, kalabasa at kamatis (3 K’s) ay may taglay na vitamin A para sa mata. Ang dilaw na pakwan ay may sangkap na lutein na kailangan din ng mata. Ang pagkain ng matatabang isda tulad ng tuna, tamban at tanigi (3 T’s) ay mahalaga din. 2. Umiwas sa nakasisilaw na bagay. Huwag tumitig sa araw at maliwanag na ilaw. Subukan ding diliman ang ating computer screen at telebisyon para hindi tayo masilaw. 3. Huwag magbasa sa dilim. Mahihirapan ang ating mata sa pagbabasa sa madilim. Gumamit ng katamtamang puting ilaw (at hindi dilaw). Huwag idirekta ang liwanag sa mata. 4. Huwag magtrabaho ng mahabang oras sa harap ng computer o TV. Subukan ang payong “20-20-20”. Ano ito? Bawat 20 minutos sa harap ng comput

Masamang Epekto Ng Sobrang Pag-inom ng Matatamis na Inumin

Image
Masamang Epekto Ng Sobrang Pag-inom  ng Matatamis na Inumin Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian Ang mga matatamis na inumin ang isa sa pinakamabilis magpataba sa iyo. Kapag umiinom ka ng matamis, hindi ka agad nabubusog kaya mas napaparami ang naiinom mo at mas marami ang nakokonsumo mong asukal. Ang pag-inom ng matatamis inumin ay maaaring magdulot ng obesity, type 2 diabetes, sakit sa puso at stroke. Sa halip na uminom ng fruit juice o softdrinks, mas aminam na kumain na lamang ng prutas dahil may taglay pa itong fiber at mas kaunti ang asukal.

Mga Isdang Dapat Bawasan sa Pagkain ng mga Buntis

Image
Mga Isdang Dapat Bawasan sa Pagkain ng mga Buntis Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian Ang mga isda at lamang dagat ay mainam na pinagkukunan ng mahahalagang nutrients sa ating katawan tulad ng protina, iron at zinc. Ito ay mahalaga lalo na sa kalusugan ng sanggol sa sinapupunan ng ina. Nagtataglay din ang mga isda ng omega 3 fatty acids na mahalaga para sa brain development ng sanggol. Ngunit may ilang klase ng isda na dapat bawasan sa pagkain ng mga buntis. Ang halimbawa nito ay ang mga pating, matang dagat o tile fish, blue marlin at king mackerel. Ang mga isdang ito ay may taglay na mataas na lebel ng mercury. Ang mercury ay kemikal na maaaring maimbak sa dugo at maaaring maipasa sa sanggol sa sinapupunan. Ang mercury ay maaaring makasira ng utak at nervous system ng sanggol. Limitahan sa dalawa hanggang tatlong serving ng mga isdang nabanggit kada linggo para ligtas ang pagbubuntis. Narito ang ilang mga isda na masustansya at ligtas kainin ng mga bu

Kain nang Kain? Baka Binge-eating disorder na yan!

Image
  Kain nang Kain? Baka Binge-eating disorder na yan! Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian Isa itong disorder kung saan madalas na kumakain ng sobrang daming pagkain ang isang tao at hindi nito mapigilan ang sarili sa pagkain. Karamihan ng mga taong may binge-eating disorder ay overweight o obese ngunit mayroon din naman na may normal na timbang. Ang mga behavioral at emotional na sintomas at senyales ng sakit na ito ay: 1. Pagkain ng sobrang daming pagkain 2. Hindi makontrol ang sarili sa pagkain 3. Kumakain pa rin kahit busog na o hindi naman gutom 4. Mabilis na pagkain 5. Kain ng kain hanggang sa sobrang sakit na ng tiyan sa busog 6. Mag-isang kumakain at itinatago ito sa iba 7. Nakakaranas ng depression, galit at hiya dahil sa pagkain ng madami 8. Laging sumusubok mag-diet pero hindi pumapayat Kung mayroon ka ng mga sintomas ng binge-eating disorder, kumonsulta sa iyong doktor. Kung ayaw mong pumunta sa doktor, kausapin ang taong p

Balanseng Diet, Mas Epektibo sa Pagpapapayat

Image
Balanseng Diet, Mas Epektibo sa Pagpapapayat Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian Mahalaga ang pagpili ng mga kakainin at laging pakatandaan na hindi natin makukuha sa iisang pagkain ang lahat ng nutritents na kailangan ng ating katawan kaya laging sinasabi na “eat wide variety of foods”. Ang pagkakaroon ng well-balanced diet mula sa prutas, gulay, whole grains, lean meats at isda ay nakatutulong sa pagkakaroon ng healthy lifestyle. Ang mga pagkain na mayaman sa fiber tulad ng prutas, gulay, legumes, whole grains ay nakatutulong sa mabilisang pagkabusog. Mahalaga din ang tubig sa pag-adapt ng GI tract sa ma-fiber na pagkain. Huwag hayaan na gutumin o i-deprive ang sarili natin sa pagkain, dahil mas malaki ang tyansa na mas kakain tayo ng madami at kadalasan mga unhealthy na pagkain pa. Mas maganda din ang pagkain ng small portions kada meal kumpara sa minsanang dami ng pagkain. Bigyang pansin din ang servings o ang dami ng bawat pagkaing kakainin, kalimita

Mabilis na Pagpapayat, Masama Para sa Kalusugan

Image
Mabilis na Pagpapayat, Masama Para sa Kalusugan Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian Gusto nating magbawas ng timbang pero kalimitan tinatamad tayo na mag-ehersisyo at mas pinipili natin ang mga pagkaing instant at hindi na nangangailangan pa ng matagalang lutuan. Gusto natin ng mabilisan na resulta. Hindi kailangang madaliin ang pagbabawas ng timbang, ito ay hindi mabilisang proseso. Ang katanggap tanggap na pagbawas ng timbang ay dalawa hanggang apat na kilo kada buwan. Maaari din na 10% ng kabuuang timbang ang mabawas sa loob ng 6 na buwan. Anuman na sobra dito ay hindi maganda para sa iyong kalusugan. Kung sobra ang timbang, kahit maliit na pagbawas sa timbang ay mahalaga lalo na at makatutulong ito na makontrol ang diabetes, mabawasan ang panganib na dulot ng heart disease sa pamamagitan ng pagpapababa ng blood pressure at blood cholesterol. Kapag malaki ang pagbawas san timbang sa loob ng maikling panahon, may tinatawag tayong yo-yo dieting o yo-yo

Huwag Sobra sa Asin Para Iwas Sakit sa Puso at Bato

Image
Huwag Sobra sa Asin Para Iwas Sakit sa Puso at Bato Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian Sino ba naman ang hindi maeengganyo sa mapang-akit na amoy ng mga fast food restaurants? Ang makatawag pansin na mga packaging ng junk foods? Ang very convenient na mga canned goods? At ang naggagandahang design ng mga cake at doughnut? Siguaradong patok ang mga ito sa nakararami, ngunit ano nga ba ang epekto ng palagiang pagkain ng mga ito? Iniiwasan natin ang mataas na pagkonsumo ng sodium dahil nakakaapekto ito sa mga taong may Hypertension, Congestive Heart Failure, mga may sakit sa bato, Edema o ang manas. Pwedeng lumala ang mga sakit na ito kapag hindi makontrol ang pagkain ng asin. Piliin natin ang ang mga pagkaing sariwa at hindi pa naisasailalim sa ibat ibang proseso katulad ng mga gulay, prutas, sariwang karne at isda, manok. Maliban sa hindi ito nakakadagdag sa pagkonsumo ng sodium ay nagtataglay ito ng mga bitamina at ibang nutrients na kailangan ng ating

Nutrition Tips Para sa mga Sumasailalim sa Dialysis

Image
Nutrition Tips Para sa mga Sumasailalim sa Dialysis Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian Ang Chronic Kidney Disease ay ang unti unting pagkasira ng ating mga bato at maaaring mauwi sa tuluyang pagkasira nito. Ang ating mga bato ang responsible sa pagsala ng mga dumi at ang pagbabalanse ng water fluids sa ating katawan. Ang pangunahing layunin sa mga taong may Chronic Kidney Disease ay ang mapabagal ang paglala ng pagkasira ng bato at mapigilan ang iba pang komplikasyon. Mahalaga ang pagbibigay ng tamang pagkain sa mga may CKD upang maiwasan ang mabilis na pagkasira ng ating bato, pagkakaroon ng ibang komplikasyon at sobrang pag-function ng bato upang salain ng mga dumi sa ating katawan. Kinakailangan na sapat ang dami ng pagkain upang mapanatili ang tamang timbang at maiwasan ang wasting o labis na pagpayat. Ang malaking bahagi ng pagkain ay magmumula sa complex carbohydrates tulad ng peas, beans, whole grains at gulay. Iwasan ang sobrang dami o sobran

Pagkain Para Hindi Maging Malilimutin

Image
Pagkain Para Hindi Maging Malilimutin Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian Alam mo ba na ang kinakain mo ay nakakaapekto sa iyong utak? Ang Mediterranean diet at DASH diet ay parehong nakakatulong na makaiwas sa sakit sa puso ngunit nakita rin na nakakatulong ito upang maiwasan ang pagiging malilimutin. Nagdisenyo ang mga siyentipiko ng diet na tinatawag na Mediterranean-DASH diet para iwasan ang neurodegeneration na nagdudulot ng dementia. Ayon sa pag-aaral ang mga gulay, lalo na ang mga berdeng gulay ay nakakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng dementia. Narito ang sampung brain-healthy foods mula sa MIND diet: 1. Berdeng gulay  2. Mga gulay 3. Mani  4. Beans  5. Whole grains 6. Seafood 7. Poultry 8. Olive oil 9. Wine 10. berries Narito naman ang limang pagkain na dapat iwasan o bawasan para maging malusog ang utak. 1. Red meat 2. Butter at margarine 3. Keso 4. Matatamis na pagkain 5. Pritong pagkain at fast fo

Sustansyang Taglay ng Malunggay

Image
Sustansyang Taglay ng Malunggay by Dr Willie T Ong at  Nutrisyong Pinoy Ang dahon ng malunggay ay punong-puno ng calcium at iron. Ang calcium ay nagpapatigas ng ating buto at panlaban sa osteoporosis. Kung ikaw naman ay anemic o kulang sa dugo, sagana ang malunggay sa iron na nagpapadami ng ating dugo. Mataas din sa protina, potassium, vitamin A at vitamin C ang malunggay. Ang mga bitaminang ito ay tinatawag na anti-oxidants. Ito yung lumalaban sa stress at nagpapabagal sa pag-edad ng ating katawan. Kumpara sa ibang prutas at gulay, ang malunggay ay may mas maraming bitamina. Super-gulay talaga ang malunggay. Ang problema lang ay dapat masanay ang bata na kumain nito. Ang prutas ng malunggay ay masustansya din at mataas sa carbohydrates, calcium, iron at phosphorus. At dahil sa bitamina nito, ang malunggay ngayon ang pinapakain sa mga payat at malnourished na bata. Mura at masustansya ang malunggay. Puwedeng-puwede sa mga feeding program ng gobyerno at mga volunteer groups.

Isda Para Sa Puso

Image
Isda Para Sa Puso Payo ni Dr. Willie T. Ong,  Doktor Doktor Lads  at  Nutrisyong Pinoy Tanong: Doc, totoo po ba nakaka-high blood yung taba ng bangus? Sagot: Hindi totoo. Sa katunayan, pampababa ng high blood ang mga isda tulad ng bangus. May Omega 3 fatty acids ang bangus, salmon at sardines na makatutulong sa pasyenteng may sakit sa puso, high blood o palpitasyon. Pinapaganda ng Omega 3 fatty acids ang daloy ng dugo sa ugat para hindi magkaroon ng stroke at heart attack. Ang taba ng baboy at baka (lechon, pork chop, crispy pata at chicharon) ang siguradong nakaka-high blood at nagdudulot ng stroke at atake sa puso kapag nasobrahan. Kaya kung pwede ay iwasan o bawasan na ang pagkain ng baboy at baka. Kumain na lang ng isda tulad ng bangus para humaba ang buhay.

Calcium, Vitamin D at Ehersisyo Para Osteoporosis Maiwasan

Image
Calcium, Vitamin D at Ehersisyo Para Osteoporosis Maiwasan Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian Ang osteoporosis ay kadalasang sakit ng matatanda kung saan nagiging mahina at marupok ang mga buto. Kadalasan itong nauuwi sa pagkabali ng mga buto. Parehong nagkakaroon ng osteoposis ang mga babae at lalake ngunit mas madalas itong nakikita sa mga babae lalo na ang nagmenopause na. Para maiwasan ang osteoporosis, siguruhin na nakakakuha ng sapat na calcium, vitamin D at exercise. 1. Ang calcium ay maaaring makuha mula sa low-fat dairy products, dark green leafy vegetables, salmon at sardinas, tokwa at cereals na mayaman sa calcium. 2. Ang vitamin D ay importante upang maabsorb ng katawan natin ang calcium. Maaaring makuha ang vitamin D mula sa exposure sa araw ngunit huwag magbabad sa araw ng matagal upang maiwasan ang skin cancer. 3. Ang ehersisyo ay nakakatulong na patibayin at palakasin ang mga buto. Maaaring subukan ang paglangoy, pagbibisikleta,

Mga Tirang Pagkain, Wag Paabutin ng Higit sa Apat na Araw sa Ref!

Image
Mga Tirang Pagkain, Wag Paabutin ng Higit  sa  Apat na Araw sa Ref! Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian Ang mga tirang pagkain ay maaari lamang iimbak sa refrigerator sa loob ng tatlo hanggang apat na araw. Siguraduhin na kainin ang mga ito agad at huwag paabutin ng matagal sa ref. Matapos ang apat na araw na nakalagay sa ref, mas mataas na ang posibilidad ng food poisoning kapag kinain ito. Kung alam mong hindi mo makakain ang iyong tirang pagkain sa loob ng apat na araw, ilagay ito agad sa freezer upang mas tumagal ang shelf life nito. Ang food poisoning ay nakukuha mula sa mga bacteria sa kontaminadong pagkain. Madalas ay hindi pansin ang pagbabago sa lasa, amoy o hitsura ng pagkain kapag kontaminado ito ng bacteria kaya delikadong kainin ang mga pagkain na matagal na nakalagay lang sa ref. Mas mabuting itapon na ito kung hindi ka sigurado kung panis na o hindi. Madaling maiiwasan ang mga kaso ng food poisoning basta tama ang iyong food handling. Aga

Kamay ay Hugasan Upang Laging Malusog ang Katawan!

Image
Kamay ay Hugasan Upang Laging Malusog ang Katawan! Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian Ang paghuhugas ng kamay at pagpapanatiling malinis ang mga ito ay importanteng paraan upang maiwasan ang pagkakasakit at pagkalat nito. Maraming mga sakit ang nakukuha mula sa hindi paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig. Ang mga dumi mula sa tao o hayop ay pinagmumulan ng mga germs tulad ng Salmonella, Escherichia coli at norovirus na kadalasang nagdudulot ng diarrhea at pagkalat ng mga respiratory infections tulad ng adenovirus at foot and mouth disease. Maaaring mapunta ang germs sa kamay ng isang tao sa pamamagitan ng paggamit ng banyo, pagpalit ng diaper, paghawak ng karne o maduduming bagay. Kapag hindi nahugasan ang kamay, maaari itong magdulot ng sakit at pagkalat sa iba pang tao. Ang tamang paghuhugas ng kamay ay nag-aalis ng germs na makakatulong na maiwasan ang maraming sakit. Maaaring magkaroon ng sakit kapag hindi naghugas ng kamay at hah

Grape Juice, Nakakatulong Para sa Kalusugan ng Puso

Image
Grape Juice, Nakakatulong Para sa Kalusugan ng Puso Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian Ayon sa pag-aaral, ang pag-inom ng red at purple grape juice ay nagdudulot ng mabuting epekto sa puso ng isang tao: Nakakabawas ito ng risk ng pamumuo ng dugo Nakakababa ng low-density lipoporotein (LDL)/bad cholesterol Nakakatulong mapigilan ang pagkasira sa ugat sa puso Nakakapanatili ng normal na blood pressure Ang grapes o ubas ay mayamang sa antioxidants na resveratrol at flavonoids na tumutulong laban ang mga free radicals na masama sa kalusugan ng isang tao. Ang mga ito ay makikita sa balat, tangkay, dahon at buto ng ubas. Ang dark red at purple grapes ay mas maraming antioxidants. Maaari ring kumain ng sariwang prutas na ubas bukod sa grape juice.

Kumain ng Isda na Mayaman sa Omega 3 Fats Para Iwas Sakit sa Puso

Image
Kumain ng Isda na Mayaman sa Omega 3 Fats  Para Iwas Sakit sa Puso Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian Ayon sa American Heart Association, ang pagkain ng mga isdang mayaman sa omega-3 fatty acids ng dalawang beses sa isang linggo o higit pa ay makakatulong na pababain ang posibilidad ng pagkakaroon ng sakit sa puso partikular na ang cardiac arrest. Ang omega 3 fatty acids ay unsaturated fatty acid na tumutulong na maiwasan ang inflammation sa ating katawan. Ang inflammation ay maaaring makasira sa ating mga ugat na magdudulot ng sakit sa pyso. Pinapababa ng omega 3 ang triglycerides, blood pressure, blood clotting, iniiwasan din nito ang stroke, heart failure, irregular heartbeats and nakakapagpatalas ng pag-iisip ng mga bata. Nakakatulong din ang omega 3 na maiwasan ang depression, dementia at arthritis. Ang mga matatabang isda tulad ng salmon, herring, sardinas at tuna ang may pinakamataas na omega 3 content. Ang mga matatanda ay maaring kumain ng at

Kumain ng Masustansyang Mais

Image
Kumain ng Masustansyang Mais Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian Ang mais ay masustansyang pagkain, mataas ang fiber content nito na nakakatulong sa pagtunaw ng pagkain, mayroon din itong folate, thiamin, phosphorus, vitamin C at magnesium na nakakatulong na mapatibay ang ating mga buto. Marami ring antioxidants na makikita sa mais na nakakatulong upang labanan ang cancer. Mayroon din itong anti-atherogenic effect na nakakatulong na mabawasan ang risk ng pagkakaroon ng sakit sa puso. Nakakatulong din ang mais na mapababa ang blood pressure na mahalaga upang maiwasan ang heart attack at stroke. May mga pag-aaral na din na naisagawa na ang pagkain ng mais ay nakakatulong upang makontrol ang diabetes. Ang mga phytochemicals mula sa mais ay tumutulong sa paglalabas ng insulin ng katawan upang maiwasan ang sobrang pagtaas ng asukal sa dugo.

Huwag Sanayin sa Matatamis na Pagkain ang mga Bata

Image
Huwag Sanayin sa Matatamis na Pagkain ang mga Bata Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian Huwag nating sanayin na laging matatamis ang kinakain ng mga bata. Kapag nasanay ang dila nila sa mga matatamis na pagkain tulad ng candies at chocolates, aayawan na nila ang mga gulay at prutas dahil sadyang hindi ito masyadong matamis at halos walang lasa.  Maganda na bata pa lang sila ay masanay na ang dila nila sa pagkain ng mga prutas at gulay na napakasustansya. Makakatulong ito sa paglaki nila, pagiging malusog at malayo sa sakit. Kapag puro kendi at softdrinks na lamang ang ibibigay natin sa kanila, malaki ang posibilidad na magkaroon sila ng obesity o labis na katabaan na maaaring magdulot ng napakaraming komplikasyon sa hinaharap tulad ng altapresyon, sakit sa puso, stroke at marami pang iba.

Masamang Epekto sa Kalusugan Kapag Lagi ang Kain ng Fried Chicken

Image
Masamang Epekto sa Kalusugan Kapag Lagi  ang Kain ng Fried Chicken Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian Nakakaakit talaga ng kumain ng fried chicken lalo na kung galing sa mga pinakapaborito nating mga fastfood chain. Ngunit ang fried chicken ay isa sa mga worst foods na nakakasama sa iyong kalusugan. Dahil babad sa mantika ang fried chicken, mataas ito sa calories at mantika. Ang pagkain ng maraming taba at calories ay maaaring magresulta sa obesity o katabaan. Hindi ka rin nakakasiguro sa mantika na ginagamit na pamprito ng fried chicken. Ang mga mantika na ginagamit kadalasan ay mga hydrogenated o partially hydrogenated vegetable oils. Ang mga ito ay ibang tawag sa trans fat at ang trans fat ay masama dahil nakakapagpataas ito ng cholesterol at LDL na masama para sa ating kalusugan. Ang pagprito ay nakakataas ng mga advanced glycation end produts sa pagkain na nagdudulot ng pamumuo ng ilang mga carcinogens (nagdudulot ng cancer). Ang pagprito ng pagkain lal

Health Benefits ng Pagkain ng Kamatis

Image
Health Benefits ng Pagkain ng Kamatis Payo ni Ourlass Tantengco, Registered Nutritionist-Dietitian 1. Ang kamatis ay may taglay na carotenoids tulad ng alpha at beta carotene, lutein at lycopene na maganda para sa ating kalusugan. 2. Ang lycopene ay may mataas na antioxidant activity na tumutulong upang protektahan ang cells natin mula sa oidative damage. 3. Nakakatulong ang kamatis na mabawasan ang risk ng pagkakaroon ng prostate cancer. 4. Nakakatulong din itong makabawas n risk ng pancreatic cancer ayon sa pag-aaral ng The University of Montreal. Ang lycopene ay nagdudulot ng 31% reduction sa pancreatic risk. 5. May taglay itong vitamin E at vitamin C na nakakatulong upang mapalakas ang ating resistensya. 6. Mayaman sa potassium ang kamatis na nakakatulong upang mapababa ang blood pressure. 7. Nakakatulong ang pagkain ng kamatis upang mapababa ang risk ng pagkakaroon ng sakit sa puso at cancer ayon sa pananaliksik ng The University of Athens Medical Scohol at Harv